[20 November 2006] Ipis |
Maaaring hindi ko pa nararanasan ang lahat ng pwede kong maranasan sa aking buhay. Ngunit eto ang mapagmamalaki ko. Sa loob ng mag-a-apat ko nang taon sa kolehiyo... Nakapag-dissect na ko ng ipis. Hindi lang palaka at pusa, kundi ipis na din. Crunchy. Juicy. At maganda pa raw ang pagka-dissect ko. Hahaha. Kaya't nagpapasalamat kami sa mga ipis na nagbuwis at nagsakripisyo ng kanilang buhay upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Pampublikong Kalusugan tungkol sa mga lamang-loob nito. Nawa'y hindi kami gantihan ng mga kamag-anak niyo, lalo na yung mga lumilipad (Huwaaaag poooooh!). Pero ah, sa unang pagkakataon siguro, naawa ako sa kanya. Biruin mo, mangisay-ngisay na siya nung ilagay mo siya sa garapong may ether. Matapos siya ma-anesthesize, puputulin mo pa yung paa (hindi rin naman siya immobilized, noh?). Kawawa. "Alam mo, wala na kong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa'yo, pero patuloy ang pag-iwas mo..." -- ipis
|
so says tricia @ 11:38 PM | 1 comments |
hahahah! oonga, ang sarap mag-dissect ng ipis! pero yung ipis ko ang panget kasi ang payat, mas mataba pa yung forceps sa kanya! hehehehe :D ganda naman ng quote na yun.. funny ka talaga chichay! :D |