[15 March 2005] Kudos to our policemen... |
Narinig mo na ba yung nangyari sa Bicutan? May mga taga Abu Sayaff na nakakuha ng baril nung mga pulis na nagbabantay sa kanila... kaya ayun, nakatakas sila. Kasi naman eh, dapat naman talaga, walang weapons na dala sa loob. May mga namatay na, may mga demanda pa sila. Kaya ngayon... strict na naman ngayon sa security. Strict NA NAMAN. Bakit hindi pwedeng laging maging strict pagdating sa security? Bago mag lunch, pumunta ako sa Manila Doctors para kunin yung lab results ng lolo ko. Tapos, sumakay ako ng jeep papuntang Pedro Gil para makapunta sa PH lib. Malamang madadaanan ko ang PGH. Tama ba naman, ang dami dami daming pulis dun, nagbabantay. Bakit? Kasi may nangyari na naman? Ganyan naman palagi. Kung kelang nagkagulo, dun lang sila maghihigpit. Tulad na lang noon, nung nagkaroon ng mga bombing bombing sa Mindanao, tapos sa Metro Manila, gusto nila magkaroon ng National ID System (tama ba?), tapos pa-check check ng bag pagpasok ng mall, nag-iinspect sila ng kotse. Ang nakakainis pa, wala rin namang nangyayari sa ginagawa nila! Una, alam ba nila kung ano yung hinahanap nila? Pangalawa, hindi naman nila tinitignan lahat ng pockets sa bag mo. Saka haller?!? Hindi naman talaga sila nagche-check ng bag! Pinapasok lang nila yung stick na hawak nila sa bag mo, tapos wala na. Pangatlo, may detector nga, wala namang silbi. Tumunog, hindi, nagpapapasok pa rin sila. Ano beh!? Siguro after mga 2 weeks, wala na uli. Magla-lie low nanaman ang mga pulis. Magpapataba't magpapayaman na naman sila (although alam ko naman na hindi lahat ng pulis ay ganito). Maghihintay ng isa na naman ng massive bombing bago sila umaksyon uli. Pwede ba? |
so says tricia @ 5:27 PM | 0 comments |